Tungkulin – Sa Akin at Sa Dios
Naatasan ang kaibigan kong si Janice na maging manager ng departamento nila. Nalula siya sa responsibilidad dahil ilang taon pa lang siya sa kumpanya. Nanalangin siya sa Dios at pakiwari niya, nais ng Dios na tanggapin niya ang bagong tungkulin sa kanya – pero may takot pa rin siya na baka hindi niya ito kayanin. Sabi niya sa Dios: “Paano…
Maligayang Araw Ng Pasasalamat
May isang pag-aaral ang psychologist na si Robert Emmons kung saan hiniwalay sa tatlo ang mga kalahok at pinagsulat sila ng lingguhang talaan. Sa unang grupo – limang bagay na kanilang ipinagpapasalamat. Sa ikalawang grupo – limang abala sa araw-araw. Sa huling grupo – limang pangyayari na nagkaroon ng epekto sa kanila sa maliit na paraan. Makikita sa resulta ng pag-aaral…
Ang Salita Ng Dios
Sumisikat na komedyante si Stephen, at isang tumalikod sa Dios. Lumaki siya sa isang Cristiyanong pamilya pero napuno siya ng pagdududa nang namatay ang tatay at dalawang kapatid niya. Naaksidente ang eroplanong sinasakyan ng mga ito. Iniwan niya ang pananampalatayang kinagisnan noong mahigit dalawampung taong gulang lang siya. Pero isang gabi sa malamig na kalye ng Chicago, may nagbigay sa…
Pagpipigil Sa Sarili
Sinimulan ang pag-aaral na tinatawag na marshmallow test noong 1972 para suriin ang kakayahan ng mga bata na ipagpaliban ang pagpapasaya sa sarili. Binibigyan ang mga bata ng isang marshmallow at sinasabihang kung hindi nila ito agad kakainin, bibigyan sila ng isa pang marshmallow pagkatapos ng sampung minuto.
Sinusuri dito kung kaya ng mga batang ipagpaliban ang pansariling kasiyahan. Isa sa tatlong bata…
Mga Ibon Sa Himpapawid
Isang araw sa tag-init, habang tumataas ang sikat ng araw, nakangiting sumenyas sa akin ang isang kapitbahay at tinuro ang wind chime sa balkonahe ng bahay nila. May isang maliit na pugad ng ibon pala doon na may dalawang maliliit na ibon.
“Hinihintay nila ang nanay nila,” sabi ng kapitbahay. Pinagmasdan namin sila at itinaas ko ang aking cellphone para kumuha ng…